Collegiate athletic training papayagan na ng CHED, DOH

Collegiate athletic training papayagan na ng CHED, DOH

December 13, 2021 @ 1:50 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Papayagan na ang training ng student-athletes sa tertiary level kasunod ng paglagda ng joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH).

Ginanap ito sa Emilio Aguinaldo College Gymnasium sa  at dinaluhan nila CHED Chairman Popoy De Vera, DOH Secretary Francisco Duque III, CHED Executive Director Cinderella Filipina Benitez-Jaro at CHED National Capital Region (NCR) Regional Director Virginia Akiate.

Kasama rin dito  ang mga opisyal ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Maaalalang naunang sinuspende ito dahil sa COVID pandemic.

 “We have been very conscious of our responsibilities,” saad ni De Vera. RNT/FGDC