Cologne na pino-promote ni Toni, pinagbawal ng FDA!

Cologne na pino-promote ni Toni, pinagbawal ng FDA!

January 13, 2021 @ 6:49 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Mahigpit na ipinagbawal ng Philippine Food and Drug Authority ang pagtangkilik ng ineendorsong cologne ni Toni Gonzaga at vlogger na si Winnie Wong.

Napag-alaman na ang nasabing cologne, na ini-launch nina Toni at Winnie noong isang taon, ay walang valid Certificate of Product Notification (CPN) as of December 2020.

Dahil dito, hindi raw maipangako ng FDA ang kalidad at kaligtasan nito sa mga consumer.

“The use of such violative product may pose health risks to consumers.”

Ilan daw sa mga adverse reactions ng paggamit ng naturang produkto ay maaaring magresulta sa “skin irritations, itchiness, anaphylactic shock at organ failure.”

Binabalaan ang mga mamimili na ‘wag tangkilikin ang nasabing cologne spray. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...