Colombian fighter Quiñones napatay nang ma-knockout

Colombian fighter Quiñones napatay nang ma-knockout

October 2, 2022 @ 1:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Namatay si Colombian boxer Luis Quiñones, 25, nitong Biyernes ng umaga matapos ma-coma ng limang araw dahil sa pinsalang natamo sa laban noong nakaraang Sabado kontra sa kababayan na si José Muñoz sa isang event na ginanap sa Coliseum Elías Chewgin sa lungsod ng Barranquilla para sa national super light weight na titulo sa Colobia.

Isa sa pinakamahusay na prospect si Quiñones sa Latin American boxing at ngayon ang Colombia ay nagluluksa sa kanyang pagkamatay.

Patas lang ang laban ng sa ikawalong round ay bumagsak si Quiñones matapos makatanggap ng kumbinasyon mula kay Muñoz.

Marahas itong bumagsak sa canvas at doon na tumunog ang bell dahil hindi na makatayo ang boxer.

Base sa report ng ospital, dumanas ang boksingero ng neurological, functional at metabolic deterioration kasama ang ischemia sa kaliwang cerebral hemisphere.

Nagbigay ng maramdaming pagpaalam si Colombia President Gustavo Petro: “Napakasakit na makitang umalis ang isang binata na puno ng pangarap at may buong kinabukasan. Sa pamilya ng Santanderean boxer na si Luis Quiñones: isang mainit na yakapin mo, labis kong ikinalulungkot ang mahirap na sandaling ito.”

Ang balita ay nagpakilos sa Colombia at libu-libong tinig ng pakikiisa at pakikiramay mula sa mga network at media para sa mga kamag-anak at malalapit ni Quiñonez sa loob at labas ng bansa.

Kilala si Quiñonez a bilang isang pambihirang binata, disiplinado at mahilig sa boksing kung saan nakita niya ang pagkakataon para sa kanyang buhay at sa parehong oras ang kanyang idolo ay si Julio César Chávez.

Matapos ang medical procedure, na isinagawa sa General del Norte clinic, na-induced coma si Quiñones hanggang nitong Biyernes ng umaga ay naglaho ang inaasahang himala ng buhay nang malaman ang balita ng kanyang pagkamatay.JC