Color coding scheme sa MM suspendido pa rin

Color coding scheme sa MM suspendido pa rin

October 16, 2021 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nananatili pa ring suspendido ang color coding o number coding scheme sa Kalakhang Maynila na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Ang paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos sa Laging Handa public briefing ay hindi pa kasi normal ang
public transportation sa Kalakhang Maynila.

“I’m talking of the public network, iyong mga buses natin, mass transport, mga LRT ‘no. So habang inaayos po iyan, hanggang maaari po sana ay sinususpinde muna namin ang color coding,” ani Abalos.

“Sapagka’t isipin mo kung isa lang ang kotse mo, saan ka sasakay? Sasakay ka sa dyip, sasakay ka sa bus, sasakay sa MRT, at baka magkasiksikan lalo ‘no. So iniisip namin, sige na lang payagan na lang natin'” dagdag na pahayag ni Abalos sabay sabing “At pangalawa, iyan kasing sasakyan mo, personal bubble mo iyan e, kung nandiyan ka parati, you feel safe, etc. Siyempre kung ito ay pagbabawalan natin, iyong ibang may sasakyan, makikiangkas, hindi ba? So ito’y patulong na rin tungkol dito sa impeksiyon.”

Tiniyak naman nito na araw-araw na minu-monitor ng MMDA ang trapiko sa MM.

“Mga peak hours, medyo sabihin na nating nagbabago na, talagang dumadami na ang sasakyan dito,” dagdag na pahayag nito.

Sa ngayon aniya, sa kanilang pag-aaral ay kaya pa naman aniya nilang kontrolin ang mga sasakyan kahit suspendido ang color coding.
“So, sana maunawaan ninyo. But stay tuned, huwag kayong mag-alala, MMDA parati po naming minu-monitor at iyong mga …lalo na iyong mga lugar na masisikip ay talagang binabantayan po namin iyan. Just stay tuned po at we will constantly monitor the traffic in Metro Manila,” ang pahayag ni Abalos. Kris Jose