Comelec 100% ready sa BSKE

Comelec 100% ready sa BSKE

January 23, 2023 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Wala nang dahilan para hindi matuloy, at 100% ready na ang paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ang pagsisiguro ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, Enero 22.

“The law is there and Congress had said before that this would be the last postponement,” pagbabahagi ni Comelec chairman George Garcia sa panayam ng CNN Philippines.

“Comelec is 100% prepared already for the conduct of the Barangay and SK Elections, so I think there is no more need to postpone, there is no more reason to postpone in view of our preparation and likewise our people are now ready to vote… ito na po iyon, matutuloy na po tayo ngayong October 30,” dagdag pa niya.

Ani Garcia, kumpleto na rin ang procurement sa election paraphernalia habang 50% ng 91 milyon na balota ang naimprenta na.

Inaasahan din na makumpleto ang printing at verification ng mga balota sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Sa kasalukuyan ay mayroong nasa 1.028 milyon na Filipino na ang nakapagparehistro sa nagpapatuloy na voter registration na nakatakdang magtapos sa Enero 31.

Ayon kay Garcia, inaasahan ang 1.5 hanggang 2 milyon na additional voters sa nalalapit na eleksyon. RNT/JGC