Comelec: 355 VCMs may ‘minor problems’ pa

Comelec: 355 VCMs may ‘minor problems’ pa

May 6, 2022 @ 4:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos 355 vote-counting machines (VCM) ang mayroon pa ring “minor problems”, tatlong araw bago sumapit ang eleksyon, ayon sa Commission on Elections nitong Biyernes.

Maliit na porsyento lamang umani ito sa halos 106,000 VCMs na gagamitin sa Lunes,  base kay Comelec Commissioner George Garcia.

“Sa napakadami na nating na-test po, nakaka-355 po tayo na mga medyo may problema na mga vote-counting machines. Subalit ito po ay napakaliit na porsiyento kumpara doon sa bilang ng maayos na maayos na mga vote-counting machines,” ani Garcia.

“Lahat ng mga ‘yan ay dinala na sa ating repair hubs, kasalukuyang ginagawa. Marami na rin pong nagawa doon mga almost 200 na. Hopefully hanggang bukas magsusubok tayo ay hindi ganoon pa karaming makina ang magkakaproblema,” dagdag niya.

Inilahad naman ng commissioner na kahit mukhang luma na ang VCMs, nananatili ang mga ito na “effective and efficient.” 

“Technically lahat po halos ay na-distribute na at nakahanda na para sa Lunes, ang araw ng eleksyon,” pagbabahagi ni Garcia. RNT/SA