Comelec biyaheng-Mindanao sa voter registration

Comelec biyaheng-Mindanao sa voter registration

January 22, 2023 @ 10:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sasadyain na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang Tawi-Tawi , Zamboanga at Sulu para alamin ang sitwasyon ng voter’s registration sa lugar.

Mismong si Comelec Chairman George Garcia ang bibisita sa nasabing mga lugar na layong hikayatin ang mga residente sa lugar na nagparehistro na para makaboto sa nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Liban sa voters registration ay inaasahan din na pupulungin ni Garcia ang mga election officers sa lugar at posibleng bisitahin ang pamilya ng pinaslang na election officer doon.

Matatandaan na walang inanunsyong extension ang Comelec para sa voters’ registration dahilan para magtapos ito sa Enero 31 ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden