Comelec control areas, ‘di naka-lockdown – Comelec

Comelec control areas, ‘di naka-lockdown – Comelec

May 6, 2022 @ 8:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na ang mga residente sa mga lugar na nasa Comelec control ay pinapayagang lumabas masok sa kani-kanilang mga lugar.

Itinanggi ni Garcia ang mga ulat na nagsasabing ang mga residente ay hindi pinapayagang pumasok sa kani-kanilang lugar na kontrolado ng Comelec

“Pinapa-announce lang po namin sa mga may declaration of Comelec control, ang sinasabi po kasi sa area hindi makakapasok ‘yung nasa labas na mga residente papasok sa kanilang bayan kung saan nagkaroon ng declaration ng Comelec control, hindi po totoo yon,” aniya sa  press briefing.

“Wala pong magbabago sa labas at pagpasok ng mga mamamayan natin lalo na sa araw ng election para makaboto,” dagdag nito

Tiniyak ng komisyuner sa publiko na ang mga residente ay papayagang makaboto ,lalo na sa Mindanao areas

Dagdag pa ni Garcia, huwag matakot bumoto at huwag maniwalang hindi na papasukin kapag nakalabas na ng kanilang lugar lalo sa Mindanao.

Kamakailan ay inilagay sa Comelec control ang Pilar,Abra at province of Misamis Occidental dahil sa security reasons

Ang desisyon ng poll body ay bunsod ng rekomendasyon ng Regional Joint Security Control Center ng Region X na binubuo nina Regional Election Director Francisco Pobe, Major General Wilbur Mamawag ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army at Major General Generoso Ponio, commander ng 1st Infantry Division (1ID) ng Philippine Army.

Samantala, ipinag-utos ng Philippine National Police ang agarang pag-relieve sa buong tauhan ng Pilar, Abra municipal police station sa rekomendasyon ng Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden