Comelec dapat gumawa ng pre-campaign period rules – DILG

Comelec dapat gumawa ng pre-campaign period rules – DILG

December 10, 2021 @ 10:58 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Dapat gumawa ang Commission on Elections (Comelec) ng mga alituntunin ukol sa mga aktibidad ng mga kakandidato bago magsimula ang campaign period sa Pebrero, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ang komento ni Año ay matapos ang mabigat na trapikong naidulot ng mga caravan partikular na ang ginawa nina presidential aspirant, former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at runningmate Davao City Mayor Sara Duterte sa Commonwealth Avenue in Quezon City, nitong Miyerkoles.

Bukod kasi sa traffic congestion, hindi naipatupad ang physical distancing sa nasabing caravan na humakot na sandamakmak na tao.

“We’re asking the Comelec to say what are the political activities that are allowed and not allowed. We hope it will be definite because there might be similar incidents in the future,” mensahe ni Año.

Aniya, pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nasabing isyu para hindi na maulit ang kaparehong “super spreader” events.

“We will discuss this with the IATF, with the Comelec because the start of the campaign period is still in February, it’s a long way to go. We should be thankful that the Omicron (variant of Covid-19) is not yet here and our numbers (on Covid-19 infections) are good,” ani Año.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang kampo ni Marcos sa naidulot na trapiko. RNT