Comelec en banc sesyon ikakasa sa Peb. 9; dibisyon aayusin

Comelec en banc sesyon ikakasa sa Peb. 9; dibisyon aayusin

February 4, 2022 @ 9:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Magkakaroon ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Pebrero 9.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na magsisilbi ang sesyon bilang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite.

“That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng assignment of cases (maybe there will be an assignment of cases),” sabi ni Jimenez.

Dagdag pa ni Jimenez, kung may anumang kaso na naiwan, ang mga iyon ay itatalaga, isa-shuffle, at iba pa sa Pebrero 9.

Sa kasalukuyan, mayroong ilang umiiral na komite tulad ng campaign committee na pinamumunuan ni Commissioner Rey Bulay habang ang steering committee ay nananatili kay Commissioner Marlon Casquejo.

Sa kabilang banda, ilan pang mga committee ay kailangang ire-reassigned tulad ng overseas voting committee at  campaign finance committee.

Kaugnay naman sa disqualification case ng presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, binanggit ni Jimenez na hindi siya sigurado kung saan ang paniwala na hindi na makakaboto si Casquejo sa pinagsama-samang disqualification cases ni ng dating senador  kapag nailipat siya sa ibang dibisyon dahil may awtoridad ang poll body na amyendahan ang sarili nitong mga patakaran sa anumang binigay na oras.

Sinabi ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na sinadyang ipagpaliban ni Commissioner Aimee Ferolino ang paglalabas ng ponencia ng kaso ni Marcos  para hindi sila  makaboto ni Casquejo.

Kung paano naman itutuloy ang kaso,  ipinaliwanag ni Jimenez  na kapag tatlong komisyoner ang gumawa ng desisyon, ito ang pangunahing desisyon na kumokontrol. Ngunit binanggit niya na ang pangunahing desisyon kung minsan ay nauuwi sa minorya, kapag ang dalawa pang komisyoner ay gumawa ng hindi pagkakaunawaan, ngunit ito pa rin ang pangunahing desisyon.

“Sometimes the dissent becomes the main opinion, especially if more if more justices side with the dissent rather than with what the original position was…”I haven’t seen that happen in the Comelec, to be honest,” sabi ni  Jimenez.

“I’m saying that’s one possible way of doing it, but in general, you’re looking at waiting for the main decision because no other opinion is controlling. So whether or not lumabas yung dissent, or lumabas yung separate opinion, whether it’s concurring or whatever, it really, it really has to bow before the main decision. It’s the main decision that ultimately controls the outcome,” dagdag nito

Ang Comelec ay kasalukuyang binubuo nina Acting Chair Socorro Inting, Commissioner Casquejo, Ferolino, at Bulay.

Kung sakaling wala pang bagong appointees ang Comelec, magkakaroon ng “guest” commissioner ang isang dibisyon para punan ang tatlong puwang dahil dalawa na lang ang commissioner sa isang dibisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden