Comelec exec sa ulat ng pagsisimula ng overseas vote counting: Fake news ‘yun

Comelec exec sa ulat ng pagsisimula ng overseas vote counting: Fake news ‘yun

April 20, 2022 @ 1:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinanggi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia nitong Miyerkules na nagsimula na ang vote counting sa ibang bansa.

Umarangkada ang overseas voting noong Abril 10 at matatapos sa Mayo 9, sa araw ng eleksyon sa Pilipinas.

“Wala pong binibilang na boto. Hindi po totoo ‘yung mga kumakalat. Fake news po ‘yun na everyday daw po binibilang ang boto, hindi po tayo ganu’n,” paglilinaw ni Garcia.

“Ang pagbilang po ng boto ay lahat mangyayari sa Mayo 9 lang. Sabay-sabay po ‘yan sa buong mundo kahit dito sa ating bansa, sa gabi. Sabay-sabay pong bibilangin ang mga boto natin,” paliwanag pa niya.

Halos 1.6 milyong Pilipino ang rehistrado para sa overseas absentee voting. RNT/SA