Comelec execs na dawit sa aberya sa debate, pananagutin

Comelec execs na dawit sa aberya sa debate, pananagutin

April 25, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iniimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) is ang posibleng criminal liability ng mga opisyal na sangkot sa “grossly disadvantageous” deal sa Impact Hub Manila, ang pribadaong kumpanya na nangangasiwang mag-organisa ng  presidential at vice presidential debates na inisponsoran ng poll body.

Matatandaang kinansela ng Comelec nitong biyernes ang final debates na nakatakda sana noong Sabado at Linggo matapos hindi makapagbayad ng event organizer nito ng P14 milyon sa hotel na paggaganapan ng aktibidad.

Isiniwalat ng Sofitel Philippine Plaza Manila nitong Sabado na paulit-ulit na tumalbog ang mga tseke ng Impact Hub checks.

Sinabi naman ng Impact Hub nitong Sabado na mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pamunuan ng Sofitel na naging dahilan ng hindi pag-arangkada ng mga debate.

Inihayag ni Comelec Commissioner Rey Bulay, dating chief prosecutor ng Manila na nangunguna sa internal probe, ang pagkagulat na hinayaan lamang ng Comelec na kumita ang Impact Hub mula sa mga debate sa pagbebenta ng airtime para sa mga commercial, at ang muntik nang pagbabayad ng poll agency sa organizer ng P15.3 milyon nang walang legal na basehan.

“The commission is conducting an investigation to determine the liability of Impact Hub and others who are also liable in this transaction, which now appears to be manifestly and grossly disadvantageous to the government,” ani Bulay sa isang interoffice memo.

Binalaan din niya ang mga opisyal ng Comelec na kakasuhan ang mga ito sakaling magbayad ng P15.3 milyong “counterpart” money sa Impact Hub.

Hinikayat naman ni ang kapwa commissioners na putulin na ang kaugnayan sa kumpanya “considering that Impact Hub’s actions … are tantamount to incurring criminal liability.”

“Eventually, the commission should consider the filing of the corresponding charges against those found liable,” giit niya. RNT/SA