Comelec gun ban violators halos 500 na – PNP

Comelec gun ban violators halos 500 na – PNP

January 31, 2022 @ 7:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na umabot na sa 497 indibidwal ang nahuli sa paglabag sa Comelec gun ban na ipinatupad para sa Halalan 2022.

Nadagdag sa bilang ang 16 na sibilyan na naaresto sa inilatag na 3,797 Commission on Elections (Comelec) checkpoints sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Roderick Alba na nakakumpiska pa ang kapulisan ng dagdag na 11 na baril, siyam na nakamamamatay na aramas, at 48 pirasong bala.

Sa ilalim ng Resolution No. 10728, pinagbawal ng Comelec ang pagdadala ng baril o anomang armas sa labas ng kabahayan at sa pampublik9ng lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Ang mga tagapagpatupad naman ng batas ay hindi kabilang sa gun ban basta may awtorisasyon ito mula sa Comelec at nakasuot ng uniporme ng kinabibilangang ahensya.

Maaaring makulong ang mahuhuling lalabag dito ng haanggang anim na taon. RNT