Comelec handa na sa plebisito sa Calaca, Batangas

Comelec handa na sa plebisito sa Calaca, Batangas

September 3, 2022 @ 12:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) na isagawa ang plebisito na tutukuyin ang magiging kapalaran ng pagbabago ng bayan ng Calaca sa Batangas sa isang component city ngayong Sabado.

Sinabi ni acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na 100 percent nang handa ang poll body.

Ang briefing ng Plebiscite Board at ng Plebiscite Committee ay nagtapos noong Huwebes.

Ang lahat ng mga balota, porma at suplay ay naibigay na sa Municipal Treasurer, at ito ay ipapamahagi sa lahat ng Plebisito Board at Plebisito Committee ngayon (Sabado) ng umaga alinsunod sa General Instructions.

Idinagdag niya na ang lahat ng mga manggagawa sa botohan para sa lahat ng clustered precincts ay nararapat na accounted habang ang mga kahaliling manggagawa ay naka-standby upang punan ang mga hindi mag-uulat.

Ang pamahalaang lokal ng Calaca ay naglaan ng pondo na P13 u milyon para sa plebisito.

Nasa kabuuang 58,881 official ballots ang gagamitin sa aktibidad — Plebiscite Returns – 123 sets (isang set ng tatlong kopya); Certificate of Canvass and Proclamation – isang set ng apat na kopya ; Statement of Votes bawat Precinct – walong sets (isang set ng apat na kopya) at Summary of Votes – isang set ng apat na kopya.

Ang bawat balota ay may sukat na 4.5 pulgada sa pamamagitan ng 8 pulgada at naglalaman ng tanong,
“Pumapayag ka ba na ang munisipalidad ng Calaca ay gawing isang lungsod ng probinsiya ng Batangas na kikilalanin bilang lungsod ng Calaca alinsunod sa Batas Republika bilang 11544 na kilala din bilang Charter of the City of Calaca?

Ang mga botante ay sasagot ng “Yes” o “Oo” para bumoto para sa approval nang panukala, o “No” o “Hindi” para bumoto ng pagtanggi o rejection.

Bukod sa aktibidad sa Rehiyon 4-A (Calabarzon), magsasagawa rin ng plebisito ang Lalawigan ng Maguindanao sa Setyembre 17.

Nakatakdang pagtibayin ng plebisito ang paghahati ng Lalawigan ng Maguindanao sa 2 distrito at mga independiyenteng lalawigan — Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Ang lalawigan na nasa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay naglaan ng P89.17 milyon para sa pagdaraos ng plebisito. Jocelyn Tabangcura-Domenden