Comelec, handa sa petisyon sa bilangan ng boto sa 2022 elections

Comelec, handa sa petisyon sa bilangan ng boto sa 2022 elections

November 3, 2022 @ 2:08 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Handa ang Commission on Elections (Comelec) sa inihaing writ of mandamus laban sa kanila na may kaugnayan sa nagdaang bilangan ng boto nitong 2022 national elections.

Kasama si running priest Fr. Robert Reyes na naghain ng naturang petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa proseso ng bilangan ng boto ni dating Information and Communication Technology OIC Usec. Eliseo Rio.

Bagama’t wala pang natatanggap na kopya ng petisyon ang Comelec, sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na iisa lamang palagi ang kanilang komento sa mga kumuwkestyon sa kanilang mga proseso.

Ayon kay Laudiangco, ang Comelec Rules of Procedure, gayundin ang Rules on Civil Procedure o Rules of Court ay may binibigay na tamang lugar kung saan maari itong kwestyonin ng sino man sa pamamagitan ng due processes ng batas at ng public order.

Naniniwala din ang komisyon na ang nasabing petisyon ay magbibigay ng tamang lugar sa lahat ng partido na sumagot sa nabanggit na isyu sa ilalim ng judicial processes.

Dagdag pa ni Laudiangco, laging bukas ang Comelec at handa sa anumang petisyon at laging tatalima sa ano mang proseso o kautosan ng Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden