Comelec handa sa special elections sa babakantehing posisyon ni Boying

Comelec handa sa special elections sa babakantehing posisyon ni Boying

May 24, 2022 @ 8:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakahanda ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng mga espesyal na botohan para sa posisyon ni Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa oras na maupo ito bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ)

Nauna na kasing tinanggap ng kapapanalong muling mambabatas sa Halalan 2022 ang nominasyon sa kanya ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa nasabing posisyon.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nasa House of Representative ang desisyon kung magtatalaga ng caretaker solon o magdedeklara na bakante ang posisyon at magpapatawag ng espesyal na halalan.

“Hihintayin natin ang Kongreso. Kung sasabihin ng Kongreso na pupunuan natin ang posisyon para magsagawa ng espesyal na halalan, gagawin natin ang espesyal na halalan,” ani Garcia sa isang briefing.

“Pero kadalasan, nag-appoint lang ang Congress ng caretaker para humawak ng concerns ng distrito.”

“We call those incompatible offices. You cannot accept one and at the same time accept the other. You have to give up one and accept the other,” ani Garcia. RNT