Comelec: Higit 470K Pinoy sa ibang bansa nakaboto na

Comelec: Higit 470K Pinoy sa ibang bansa nakaboto na

May 7, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na 27.84 porsyento o 472,559 ng 1,697,215 rehistradong botante sa ibang bansa ang nakaboto na para sa Halalan 2022.

Nakaboto na ang kabuuang 181,399 sa Middle East and Africa; 170,752 sa Asia-Pacific region, 72,323 sa North at South America at 48,084 sa Europe, ayon sa Comelec.

Nauna nang ihayag ng Comelec na inaasahan nito ang mahigit 580,000 overseas voters na makikilahok sa eleksyon.

Aarangkada ang overseas voting period mula Abril 10 hanggang Mayo 9. RNT/SA