Comelec: Higit 600 nagparehistro sa RAP

Comelec: Higit 600 nagparehistro sa RAP

December 19, 2022 @ 11:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagparehistro ang nasa 611 indibidwal sa unang dalawang araw ng Register Anywhere Project o RAP, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Nasa 292 ang nagpatalang aplikante noong  Sabado, Dec.17 habang nasa 319 naman ang nagpatala noong Dec.18

Katuwang ng Comelec sa Register Anywhere Project ang iba’t ibang mga mall partners.

Ang RAP ay naglalayong maging  mas “accessible” ang voter registration sa publiko.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang RAP ay mabuting samantalahin ng ating mga kababayan lalo na ng mga hindi pa nakakapag-parehistro bilang botante.

Ang RAP ay isasagawa tuwing weekends hanggang Jan. 22, 2023, maliban sa Dec. 24, 25 at 31, 2022; at Jan. 1, 2023.

Kabilang sa mga venue ng RAP ay SM Mall of Asia sa Pasay; SM Southmall sa Las Piñas; SM City Fairview sa Quezon City; Robinsons Place sa Ermita, Manila; at Robinsons Galleria sa Ortigas.

Ang provincial venues naman ay Robinsons North sa Tacloban City; SM City sa Legazpi City, Albay; at Robinsons Place sa Naga City, Camarines Sur. Jocelyn Tabangcura-Domenden