Manila, Philippines – Kinumpirma ni Commission on Election (Comelec) spokesperson James Jimenez ang akreditasyon ng grupo ni Mayor Sara Duterte-Carpio na “Hugpong ng Pagbabago” (HNP) bilang isang regional political party.
Ito ay kinumpirma ni Jimenez sa isang text message kung saan ito ay nangangahalugan na ang party na HNP ay maari nang magpasok ng mga kandidato para sa 2019 midterm election.
“That’s confirmed. It was approved because they met all the requirements set by law…It means they can field candidates as a political party from here on out, for as long as the party’s registration stays current.”
Ang grupo na HNP ay binuo ni Sara kasama ng apat pa na gobernador sa Region 11 sa basbas ng kaniyang ama na si Pangulo Rodrigo Duterte.
Sasamaha ng HNP ang partido ng kaniyang ama, Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at ang Liberal Party sa pagkuha ng mga local na posisyon sa Kongreso.
Matatandaan na ang pagbuo ni Mayor Sara ng partido ay tinuligsa ni House Speaker Pantaleon Alvarez at sinabi pa raw ni Alvarez na ang HNP ay isang produkto ng political dynasties.
Mariin naman itinanggi ni Alvarez ang mga akusasyon na ito at sinabing si Sara ay nakatanggap ng maling impormasyon.
Sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na si Alvares ay mananatiling kaalyado ng pangulo at hindi raw nito makakaapektuhan ang priyoridad ng pangulo sa lehislatibo. (Remate News Team)