Comelec kinalampag ni Digong sa campaign rallies vs COVID

Comelec kinalampag ni Digong sa campaign rallies vs COVID

December 14, 2021 @ 7:33 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na tiyakin na masusunod ang social distancing ng mga tao na dadalo sa campaign rallies bago pa ang Halalan 2022.

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, muling inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako na isulong ang mapayapa at tapat na halalan sa susunod na taon na kanyang iniulat sa Summit for Democracy kung saan si US President Joe Biden ang nag-host.

Pagkatapos nito ay nagbabala naman ang Pangulo ukol sa “danger of recontamination” kung ang safety protocols sa COVID-19 ay hindi masusunod sa panahon ng campaign season.

“Ang problema dito ganito, mabuti maraming nabakunahan medyo na that’s a lesser casualty now, but do not tempt the gods. Huwag mo hingin talaga na ikaw humingi sa aabot sa atin kung hahayaan natin na ganito,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I’d like to call the attention of the Comelec, kayo man ang ano. You are the ones supervising the elections, as a matter of fact, you are running the show… Could you not just issue a… i-maintain lang ang social distancing,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa niya na ang mga pangangampanya sa Luneta Park ay papayagan subalit kailangan na mahigpit na ipatutupad ang COVID-19 protocols.

“Hindi na kung gaano karami. Punuin ang Luneta as long as you maintain the regulations imposed by government kasi mahirap ito pag nagbalik. It might come back of vengeance,” ayon sa Chief Executive. Kris Jose