Comelec: Lahat ng 12 waging Senate bets dadalo sa proklamasyon

Comelec: Lahat ng 12 waging Senate bets dadalo sa proklamasyon

May 18, 2022 @ 1:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dadalo ang lahat ng  12 panalong senatorial candidates sa proklamasyon sa Pasay City ngayong Miyerkules ng hapon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Inilahad ni Comelec Commissioner George Garcia ilang oras matapos iproklama ng Comelec ang mga waging senatorial bet.

Pasok dito Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Francis Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros, at Jinggoy Estrada.

Samantala, wala namang balita kung dadalo ang matataas na opisyal gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proklamasyon.

Inanunsyo ng Comelec nitong Martes na imbitado sina Duterte, Vice President Leni Robredo, Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Lord Allan Velasco, and Chief Justice Alexander Gesmundo na dumalo sa proklamasyon. RNT/SA