Comelec magkakasa ng random manual audit sa special election sa Kabite

Comelec magkakasa ng random manual audit sa special election sa Kabite

January 10, 2023 @ 3:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magsasagawa ng random manual audit ang Commission on Elections (Comelec) para sa special elections sa ika-pitong distrito ng Cavite sa loob ng presinto, ayon kay Comeec Chairman George Garcia.

Sinusuri ng random manual audit ang pagganap ng mga vote counting machine (VCM) at sinusuri ang mga balota upang ma-validate ang kawastuhan.

Gagawin ng Comelec ang special election sa Pebrero 25 upang punan ang nabakanteng pwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Kabilang sa mga kandidato sa nasabing posisyon ay sina Jose Aneglkito Domingo Aquinaldo (Independent), Melencio Loyola De Sagun ,Jr (Independent), Crispin Diego Diaz Remulla ( National Unity Party), at Michale Angelo Bautista Santos (Independent).

Sakop ng ika-pitong distrito ng Kongreso ng Cavite ang mga munisipalidad ng Amadeo, Indang at Tanza at ang lungsod ng Trece Martires. Jocelyn Tabangcura-Domenden