Comelec maglalagay ng serial numbers sa mga balota para sa BSKE 2022

Comelec maglalagay ng serial numbers sa mga balota para sa BSKE 2022

September 20, 2022 @ 1:47 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Mag-iimprenta ang Commission on Elections (Comelec) ng serial numbers sa mga balota na gagamitin sa 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Inilahad ni Comelec Chairman George Garcia nitong Martes na ipinaliwanag niya ang “rationale” sa likod ng plano ng poll body na ilipat ang petsa ng paghahain ng certificates of candidacy para sa December 5, 2022 BSKE.

“The period of our printing of the ballots will have to be adjusted simply because we are now at the NPO… The NPO will be putting new features on our ballots, an ascending serial number on the ballots which we can only see on our paper money,” ani Garcia.

“These are new features and so we would like to adjust the (dates of the) filing of the candidacy so we can likewise adjust the printing of the ballots,” dagdag niya.

Inihayag pa ni Garcia na sisimulan na ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balota para sa Ormoc City plebiscite sa National Printing Office.

Kasunod naman nito ang pag-imprenta ng mga balota para sa 2022 BSKE.

Nilagdaan ng Comelec at ng NPO nitong Martes ng umaga ang memorandum of agreement para sa pag-imprenta ng official ballots at accountable forms para sa plebisito sa Ormoc City. RNT/SA