Comelec magtatalaga ng ‘isolation polling place’ para sa mga may sintomas ng COVID sa Halalan 2022

Comelec magtatalaga ng ‘isolation polling place’ para sa mga may sintomas ng COVID sa Halalan 2022

April 7, 2022 @ 12:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Pinaplano ng Commission on Elections (Comelec) na magtalaga ng isolation polling places para sa mga botante na mayroong sintomas ng coronavirus disease  (COVID-19) sa araw ng eleksyon, ayon kay Commissioner Aimee Torrefranca-Neri nitong Huwebes.

Sa press conference, sinabi ni Neri na isa sa mga panukala ng Comelec ay ang siguruhin ang kaligtasan ng mga boyante sa gitna ng pandemya.

“These are the plans in the pipeline for Comelec in COVID-proofing our 2022 national and local elections. Number 1, Comelec to conduct a public simulation of voting in an isolation polling place (IPP),” aniya.

“The IPP is said to be utilized in case a voter should exhibit COVID-19 symptoms or any increase in body temperature so he or she could still vote despite these challenges,” dagdag ni Neri.

Bukod dito, nakatakda ring bumuo ng Comelec ng medical advisory board na susuporta sa revisiting ng COVID-related guidelines aat bubuo ng mga polisiya sa eleksyon.

Makikipagtulungan ang poll body sa health at medical groups na magtalaga ng medical desks na tutugon sa health related issues ng mga botante.

Ayon kay Neri, inaasahan ng Comelec ang halos 67.5 milyong indibidwal– o 60 porsyento ng populasyon ng bansa– sa halalan sa Mayo 9. RNT/SA