COMELEC: May 9 polls, tuloy kahit magka-COVID surge

COMELEC: May 9 polls, tuloy kahit magka-COVID surge

April 28, 2022 @ 8:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines — Tuloy ang paglulunsad ng halalan sa Mayo 9 sa kabila ng potensyal na COVID-19 surge.

Giit ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino, hindi na nila ipagpapaliban ang eleksyon kahit anong mangyari.

“We have already prepared for any eventualities. We have the supplies ready. We have already trained all our election workers,” aniya.

“Kung ‘yung mga may spike, the committee on new normal has prepared on how to respond to that. Sabi nga nila, kahit anong mangyari, we will have elections,” dagdag niya.

Sabi naman ni Commissioner Rey Bulay, may mga nakalatag na contingencies ang poll body sakali mang tumaas ang kaso ng COVID-19.

“Hindi tayo pwedeng bumali sa mandato ng ating Saligang Batas na elections should be held on the 9th of May 2022,” katwiran niya.

Kamakailan nang magbabala ang Department of Health na posibleng sumipa ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng kalagitnaan ng Mayo kung hindi susunod sa minimum public health standards ang publiko.

Habang pinayuhan din ng World Health Organization ang Pilipinas na maghanda dahil maaaring sumipa ang kaso ng virus lalo na pagkatapos ng halalan. RNT/ JCM