Comelec may reaksyon sa petisyon ni Macalintal vs barangay elections postponement

Comelec may reaksyon sa petisyon ni Macalintal vs barangay elections postponement

October 17, 2022 @ 4:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos kwestyunin ng beteranong abugado na si Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema ang Republic Act No. 11935 o ang batas na nagpapaliban ng Barangay at SK elections ngayong taon, nagbigay naman ng pahayag ang Commission on Elections (Comelec) hinggil dito.

Reaksyon ni Comelec Chairman George Garcia, naniniwala siya na magandang hakbang ang ginawang petisyon ni Macalintal.

Ayon kay Garcia, panahon na para magkaroon ng interpretasyon sa Saligang Batas hinggil sa kapangyarihan ng Kongreso na magpaliban ng eleksyon.

Sakali aniyang magkaroon ng ruling ang Korte Suprema hinggil sa naturang usapin ay ito na ang magiging basehan sakaling magkaroon muli ng postponement o reset ng halalan.

Kasabay ng pagkwestyon ni Macalintal sa postponement ng barangay elections, umaasa rin ito na maglalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o TRO laban dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden