Comelec: Mga indibidwal na may COVID symptoms makaboboto sa isolation polling precincts

Comelec: Mga indibidwal na may COVID symptoms makaboboto sa isolation polling precincts

May 2, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Makaboboto pa rin ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 sa isolation polling precincts, ayon sa Commission on Elections nitong Lunes.

Makaboboto ang active voters na may suot na face masks sa araw ng eleksyon mula akas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, ayon kay Comelec commissioner George Garcia.

Iche-check ang temperatura ng mga botante sa pagpasok sa mga paaralan o poll precinct at sakaling maitala ang mataas na temperatura at magpakita ng sintomas ng virus, dadalhin sila sa isolated polling precinct, base kay Garcia.

“Di po kailangan ng RT-PCR, rapid antigen test. Di po kailangan ng vaccination card. Kahit wala pong face shield. Face mask lang po okay na,” paglilinaw niya.

“Instead of them voting in the regular precinct, they’ll be voting in isolation voting precincts,” dagdag pa niya.

“We cannot bring the ballots to them. For whatever reason nakalabas sila, then we will allow them to vote, we have no choice. It’s their constitutional right,” giit pa ng opisyal ng poll body. RNT/SA