Comelec nag-convene bilang board of canvassers para sa senatorial race

Comelec nag-convene bilang board of canvassers para sa senatorial race

May 9, 2022 @ 4:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Opisyal na nag-convene ang Commission on Elections (Comelec) bilang National Board of Canvassers (NBOC) nitong Lunes ng hapon upang simulan ang canvassing ng mga boto para sa Halalan 2022.

Ang Comelec, na tumatayong NBOC, ang magca-canvass ng mga boto hanggang senatorial positions. Ang Kamara naman ang mangunguna sa canvassing ng mga boto para sa presidential at vice-presidential candidates sa pagbalik nito sa sesyon sa Mayo 23.

Nauna nang ihayag ni Comelec Commissioner George Garcia na maipoproklama ang mga bagong senador ng bansa sa Mayo 15 hanggang 16, batay sa mga naunang eleksyon.

Para sa mga lokal na posisyon, maipoproklama na ng Comelec ang mga nanalo kinagabihan ng araw ng eleksyon ngayong Lunes o sa Martes.

Bilang NBOC, inaasahan ang Comelec na tatanggap ng certificates ng canvass of votes asa buong bansa.

Mayroon kabuuang 18,100 national at local posts para sa Halalan 2022. RNT/SA