Comelec nagbabala vs. pekeng socmed ng poll commissioners

Comelec nagbabala vs. pekeng socmed ng poll commissioners

January 27, 2022 @ 2:17 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) laban sa social media users na nagpapanggap na poll commissioners o kanilang opisyal.

Paalala pa ng Comelec, ireport ang Facebook friend request na nagpapanggap na Comelec commissioner o kanilang empleyado.

 “These blatant attempts to steal the online identity of Comelec officials are potentially part of a broader attempt to undermine the integrity of the elections,” ani Comelec spokesperson James Jimenez.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang pamunuan sa social media platforms upang agad na maalis ang mga nagpapanggap na user. RNT/FGDC