Comelec naghihintay na lang ng ipatatawag na special election sa Valenzuela

Comelec naghihintay na lang ng ipatatawag na special election sa Valenzuela

February 20, 2023 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections na hinihintay lamang na magpatawag ang House of Representative para sa special election sa unang distrito ng Valenzuela City upang masimulan na nila ang paghahanda para sa botohan upang punan ang nabakanteng pwesto na iniwan ng kanilang kinatawan.

Ang special elections ay matapos mabakante ni dating representative Rex Gachalian ang nasabing pwesto makaraang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, ang pagdedeklara ng vacancy at pagpapatawag ng special elections ay isang eksklusibong prerogative ng House of Representatives.

Ayon kay Garcia, hindi nila masisimulan ang paghahanda para sa anumang halalan kung hindi ito iuutos ng Kongreso.

ā€œTherefore, if they don’t call for a special election, the Coelec will not begin its preparations,” saad ni Garcia.

Dagdag ng poll chief, nakatanggap sila ng sulat mula sa HOR pero hindi ito panawagan para sa special elections kundi para ipaalam sa kanila na tinatanggap nila ang resignation ni Gatchalian at kinikilala bilang DSWD secretary.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na ang kamara ay magpapatawag ng special elections ng nabakanteng congressional seat sa tamang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden