Comelec naglabas na ng guidelines sa in-person campaigns

Comelec naglabas na ng guidelines sa in-person campaigns

November 26, 2021 @ 2:07 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Ipagbabawal  pa rin ang  pakikipagkamay, beso-beso, pagyakap  at anumang uri ng physical contact sa mga kandidato sa panahon ng kampanya, ayon sa Commission on Elections.

Kasama rin sa ipinagbabawal  ang pagkuha ng selfie o piktyur ng publiko na maaring magdulot na malapitang contact sa mga kandidato gayundin ang pamimigay ng pagkain o anumang bagay.

Dagdag pa rito, ang nasabing physical contact, ang pag-selfie at pamamahagi ng pagkain at inumin ay hindi papayagan sa pagsasagawa ng mga convention, caucuses, pagpupulong, miting de avance, at rally, ayon sa Comelec.

Magsisimula ang campaign period sa national level sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7,2022  kung saan inaasahan ang maraming pagbabago dahil sa kinakahap pa ring banta ng COVID-19.

Ang kampanya naman ng local level ay itinakda sa March 25 hanggang May 7, 2022.

Itinakda naman ang halalan sa May 9, 2022. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)