Comelec, nakapagtala na ng higit 26K sa voters registration

Comelec, nakapagtala na ng higit 26K sa voters registration

July 11, 2018 @ 4:55 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 26 libo ang nakapag-apply sa Commission on Elections (Comelec) sa unang linggo ng voters registration sa National Capital Region (NCR) para sa 2019 local and national elections.

Ayon sa Comelec, umabot na sa kabuuang 26,856 ang nakapag-aplay para sa registration, transfer, reactivation, correction at reinstatement of records sa list of voters sa NCR na nagsimula noong July 2 hanggang July 7.

Karamihan sa mga ito ay mga babae na umabot sa mahigit 15 libo habang mahigit 11 libo naman ang mga lalaking nagparehistro.

Sa ulat ng Comelec, may pinakamataas na bilang ng nakapagtala ng aplikasyon ang

Caloocan City First District na may 1,518.

Sinundan naman ito ng Makati Second District na may 1,442 at pangatlo ang Pasay City Second District na may 1,223.

Tatagal ang continuing voters registration hanggang sa September 29, 2018.  (Jocelyn Tabangcura-Domenden)