Comelec nakapagtala ng higit 1M bagong botante

Comelec nakapagtala ng higit 1M bagong botante

July 19, 2022 @ 6:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na nakapagtala sila ng kabuuang 1,073,847 bagong voter registrants noong Hulyo 18.

Sa mga bagong rehistro, 547,389 na bagong botante ang mula sa 18 hanggang 30 taong gulang habang 91,079 ang lampas 31 taong gulang, base na rin sa data bulletin na ipinadala ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco.

Samantala, ang iba ay kabilang sa 15 hanggang 17 taong gulang.

Ipinakita rin sa datos na kabuuang 2,256,868 aplikasyon ang naproseso hanggang Hulyo 18.

Kasama sa mga aplikasyon registrations, transfer ng voter registration, transfer mula overseas voting sa local voting, at reactivation

Itinakda lamang ang voter registration hanggang Sabado, Hulyo 23 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Muling ipinagpatuloy ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na isasagawa sa Disyembre 5, 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden