COMELEC, NBI tinapik ng DICT sa Smartmatic ‘data breach’

COMELEC, NBI tinapik ng DICT sa Smartmatic ‘data breach’

March 24, 2022 @ 12:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications (DICT) sa NBI at COMELEC kaugnay ng usaping security breach sa operasyon ng SMARTmatic na siya pa namang service provider sa sistemang gagamitin para sa May 9 national elections.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DICT secretary Emmanuel Caintic, kung lalabas sa pagsisiyasat na may nag-leak o may natumbok na may kinalaman talaga sa security breach ay kasama sila sa magsasampa ng asunto.

Aniya, inatasan na niya ang National Privacy Commission na ituloy lang gawin ang imbestigasyon sa mga nasasangkot sa isyu ng data breach.

Sisiguraduhin aniya nilang mananagot ang mga dawit sa kontrobersiya na ito kung saan nabanggit na umano’y sangkot ang ilan sa mga data privacy officer ng smart matic.

Ilang mambabatas gaya ni Senadora Imee Marcos ang una nang iginiit na isang seryosong security breach ang nangyari at nakompromiso na dito ang operasyon ng Smartmatic. Kris Jose