Comelec, NPO mag-iimprenta ng higit 67M official ballots para sa Halalan 2022

Comelec, NPO mag-iimprenta ng higit 67M official ballots para sa Halalan 2022

January 18, 2022 @ 4:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang mag-imprenta ng Commission on Elections (Comelec) at ng National Printing Office (NPO) ang mahigit 67 milyong official ballots para sa national at local elections sa Mayo 2022.

Sa isang virtual walkthrough sa ballot printing, sinabi ng Comelec na mayroong anim na units ng makina na mag-iimprenta ng 67,442,714 balota para sa darating na halalan, kung saan 1,697,202 ay para sa overseas voting habang 65,745,512 ang para sa local voting.

Magkakaroon ang mga balota ng ilang security features kagaya ng QR codes, security at timing marks, at invisible ultraviolet authentication marks.

Ayon sa presentasyon ng poll body, masisiguro nito na lehitimong mga balota lamang ang gagamitin sa Mayo 9, 2022.

Inilahad naman nina Comelec spokesperson James Jimenez at Deputy Executive Director for Administration Helen Aguila-Flores na inaasahang aarangkada sa Enero 20 ang pag-imprenta sa mga balota. RNT/SA