Comelec oks sa reassignment ng PNP officials bago mag-Halalan 2022

Comelec oks sa reassignment ng PNP officials bago mag-Halalan 2022

April 25, 2022 @ 5:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilipat ng Philippine National Police (PNP) ang ilang opisyal upang pangunahan ang mahahalagang units epektibo nitong Sabado, dahil sa nalalapit na pagreretiro ng isang senior official, ayon sa police organization nitong Lunes.

Sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na ang paglilipat ng mga opisyal ay aprubado ng Commission on Elections, bilang bahagi ng proseso para sa Halalan 2022.

“Be it known that this movement of unit heads has been approved by the Comelec essential to the procedure during this election period,” pahayag niya.

“I trust that our competent police generals will be able to accomplish their tasks according to their specific functions,” patuloy ni Carlos. RNT/SA