COMELEC pinayuhan ng SC na repasuhin ang basehan ng pagdedeklara sa kandidato bilang nuisance candidate

COMELEC pinayuhan ng SC na repasuhin ang basehan ng pagdedeklara sa kandidato bilang nuisance candidate

September 10, 2022 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Supreme Court ang Commission on Elections (COMELEC) na bumuo ng praktikal o magagawang hakbang upang masiguro na ang lahat ng kaso ng mga nais kumandidato sa elekyon ay agad nitong mareresolba.

Ito ang nakapaloob sa desisyun ng Supreme Court matapos ideklarang hindi basehan ang pagiging hindi popular at hindi miyembro ng anumang partido para ideklara ang isang kandidato bilang panggulo o nuisance candidate.

Sa 20 pahinang desisyon ng   Supreme Court En Banc bahagyang pinagbigyan ang Petition for Certiorari ni Norman Marquez na kumuwestyon sa resolusyon ng Comelec na nagdeklara sa kaniya bilang nuisance candidate at kinansela ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang senador noong May 9, 2022 National and Local Elections.

Ibinasura naman ng SC ang kahilingan ni Marquez na maisama ang pangalan sa balota dahil maitururing na itong walang saysay dahil natapos na ang eleksyon.

Gayunman minarapat ng SC na resolbahin ang kaso upang hundi na ito maulit sa mga susunod na eleksyon.

Nakasaad sa desisyun ng SC na nakagawa ng ilang pagkakamali ang Comelec dahil ito ang dapat magpatunay kung panggulo lamang ang isang kandidato.

Ang ginawa ng Comelec ay taliwas sa ipinakita ni Marquez na seryoso itong tumakbo bulang senador gaya ng pagkakaroon ng COC na isang sworn document, pagkakaroon ng Program of Governance sakaling manalo, naging mapagmatyag siya upang maprotektahan ang kanyang kandidatura at matapos ideklara bilang nuisance candidate ay agad itong dumulog sa korte.

Kung hindi seryoso si Marquez na tumakbo sa eleksyon ay hindi na ito dadaan sa napahirao na proseso.

Binigyan diin ng korte na ang isang kandidato ay maituturing na qualipikado sa pagtakbo kapag nagpakita ito ng pagiging seryoso sa pagtakbo sa isang posisyon.
Ang pagdedeklara sa isang tao bilang nuisance candidate dahil lamang hindi ito kilala sa buong bansa ay ipinauubaya sa mga botante.

Hinimok ng SC ang Comelec na madaliin na lamang ang mga kaso na may kaugnayan sa listahan ng official ballot upang hindi maapektuhan ang timeline ng eleksyon.

Batid dapat ng Comelec na sumasailalim pa sa review ng korte ang mga kaso na nangangailangan ng sapat na panahon para resolbahin. Teresa Tavares