Comelec reso, hinihintay pa ng LTFRB bago muling mamahagi ng fuel subsidy

Comelec reso, hinihintay pa ng LTFRB bago muling mamahagi ng fuel subsidy

April 8, 2022 @ 5:05 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Hinihintay na lamang ng Land Trasnportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang opisyal na kopya ng desisyon ng Commission on Election ukol sa exemption ng pamamahagi ng fuel subsidy sa election spending ban.

Sa Laging Handa public press briefing, iginiit ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na hindi sapat ang anunsyo lamang ng Comelec at hindi rin naman pwede na link lamang ng anunsyong ito ang ipapakita nila sa Landbank.

“We are ready to implement, inaantay lang ang copy ng decision ng Comelec because until now wala pa tayong signed copy from the Comelec,” ani Cassion.

Tiniyak naman ni Cassion na agad nilang ipagpapatuloy ang pamamahagi ng subsidiya oras na matanggap na ang kopya ng desisyon mula sa Comelec.

“Kapag lumabas na ‘yung kopya ng decision that is the time na i-credit na nila… Landbank is ready to distribute,” dagdag niya.

Nabatid na bago ang implementasyon ng spending ban ng Comelec ay nasa higit 110, 000 na mula sa 377,000 na mga kwalipikadong PUV drivers at operators ang nakatanggap na ng fuel subsidy mula sa pamahalaan. RNT/ JCM