Comelec, Robinsons Malls nagkasundo sa 2023 BSKE voter registration

Comelec, Robinsons Malls nagkasundo sa 2023 BSKE voter registration

December 14, 2022 @ 9:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumagda ng Memorandum para sa voter registration at Register Anywhere Project (RAP) ang Commission on Elections (Comelec) at Robinsons Malls para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at Robinsons Malls EVP Faraday Go, kasama ang iba pang key officials, ang paglagda ng memorandum of agreement.

Layon ng pagtutulongan na magbigay ng accessible Comelec registration sa pamamagitan ng kanilang off-site o satellite offices sa Robinsons Malls.

Sinabi ni Robinsons Vice President for Operations, Business Development, at Marketing Joel Lumanlan na umaasa silang palawakin ang RAP sa Robinsons Malls sa buong bansa.

Tatakbo aniya ang RAP sa Robinsons Galleria, at Robinsons Place Manila simula ngayong weekend.

Samantala, hinikayat ni Garcia ang mga hindi mga rehistradong botante na magrehistro para sa darating na BSKE. Jocelyn Tabangcura-Domenden