COMELEC: Ruling sa disqualification case vs BBM ilalabas sa Martes

COMELEC: Ruling sa disqualification case vs BBM ilalabas sa Martes

May 8, 2022 @ 5:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa Martes pa, May 10, inaasahang mailalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon sa apela kaugnay ng mga inihaing disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, napirmahan na ang tatlong consolidated cases.

Gayunpaman, nagdesisyon silang hintayin muna ang promulgation sa ikaapat na kaso na kamakailan lang naman nang matanggap ng en banc.

“Actually, yung tatlong consolidated cases napirmahan na kaya lang dumating yung pag-apat na disqualification case. We decided na pagsabaysabayin na lang yung release. I receive the fourth disqualification case last Thursday night,” ani Pangarungan.

“So the following day binasa ko na yung pang-apat na kaso and then bumoto na ako. Hindi lang na promulgate because the following day was a Saturday,” dagdag niya.

Sa kabila nito, tiniyak ng Comelec chairman sa publiko na mailalabas na ang desisyon sa Martes, isang araw pagkatapos ng botohan.

“And then ngayong Sunday, bukas special non-working holiday we cannot promulgate but rest assured that by Tuesday the first working day of next week we will promulgate yung apat na disqualification case abangan ninyo na lang sa Tuesday,” aniya pa.

Ang mga petisyong ito ay magkakahiwalay na inihain ng Akbayan party-list, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), at ng Pudno Nga Ilokano (Ang Totoong Ilokano) na humihiling sa Comelec En Banc na irekonsidera ang ginawang pagbasura ng dibisyon sa disqualification case laban kay Marcos.

Matatandaang ibinasura ng Comelec First Division noong April 20 ang disqualification case laban kay Marcos dahil sa “lack of merit.”

Sakaling hindi pabor sa petitioners ang desisyon ng en bacn ay maaari pa itong ihabla sa Supreme Court. RNT/ JCM