Comelec sa int’l poll observers: Guidelines sundin, integridad ng halalan siguruhin

Comelec sa int’l poll observers: Guidelines sundin, integridad ng halalan siguruhin

May 5, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Nagsagawa ng Commission on Elections (Comelec) ng briefing para sa international poll observers na hinihimok na panindigan ang integridad ng darating na halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa mga poll observer na sumunod sa kinakailangang alituntunin na ipinataw ng komisyon.

“You shall have unimpeded access to the electoral process subject only to such conditions necessary for the protection of our Comelec personnel and property, as well as the protection of privileged information,” ani Pangarungan.

“We ask that our monitors uphold the integrity of the elections through their compliance with our guidelines,” dagdag pa niya.

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na pananatilihin ng mga poll observers ang kanilang “impartiality and objectivity” sa buong proseso ng elektoral. Jocelyn Tabangcura-Domenden