Comelec sa mga botante: ‘Pag may kodigo, pagboto ‘di aabutin ng 5 minuto

Comelec sa mga botante: ‘Pag may kodigo, pagboto ‘di aabutin ng 5 minuto

May 3, 2022 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Commissioner George Garcia of the Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na magdala ng listahan ng mga ibobotong kandidato sa eleksyon sa Mayo9.

Sinabi ni Garcia nitong Lunes na dapat masagutan na ang mga balota nang wala pang limang minuto upang maiwasan ang inaasahang mahabng pila sa mga polling precinct.

Upang masunod ang physical distancing dahil sa pandemya, iniutos ng Comelec sa election inspectors o public school teachers na magbabantay sa polling precinctsna bawasan ang bilang ng mga papapasuking botante sa mga silid.

“They used to allow 10 or 15 voters inside the [polling] precincts before, but maybe now we’ll have just half of that,” ani Garcia.

“It will take five to seven minutes if you still have to think over your choices while voting. But if you bring a kodigo, it will take only three minutes,” dagdag pa niya.

Pinalawig ng Comelec ang oras ng pagboto mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi “because we know there will be longer queues starting at the entrance where there’s a temperature check,” aniya. RNT/SA