Comelec sa mga politiko: Hinay-hinay muna sa premature campaigning activities

Comelec sa mga politiko: Hinay-hinay muna sa premature campaigning activities

January 3, 2022 @ 2:05 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Sa pagtaas ng bilang ng naiuulat na coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa, isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang nanawagan sa mga politiko na maghinay-hinay muna sa pagsasagawa ng premature campaigning activities.

“The Comelec calls on all aspirants to exercise extreme restraint in conducting their premature campaigning activities, regardless of what these activities may be called,” ayon sa tweet ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Habang hindi pa umiiral ang Comelec campaign rules dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period, ipinaalala niya sa mga politiko ang mga restriksyon sa ilalim ng Alert Level 3.

“Note the following Alert Level 3 restrictions: Rallies are allowed, but only up to 50 percent of the venue capacity; and 50 percent passenger capacity limit for all vehicles in motorcades,” sabi ni Jimenez.

“Aspirants who stage rallies and encourage crowding by their supporters are just as bad as that ‘Poblacion Girl,’” base sa isa pa niyang tweet.

Tinutukoy ng poll official ang indibidwal na hindi nag-quarantine pagkarating sa Pilipinas, at sa halip ay dumalo sa isang party. Malaon ay nag-positibo siya sa COVID-19 ay nakahawa pa sa ibang dumalo sa naturang party.

Simula ngayong araw ay nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang Enero 15, dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19. RNT/SA