Comelec sa publiko: Magparehistro na bilang botante

Comelec sa publiko: Magparehistro na bilang botante

July 1, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng COMELEC ang publiko na magparehistro na bilang botante.

Ipagpapatuloy sa Hulyo 4 ang voter registration sa mga bagong botante, mga na-deactivate na botante o maglilipat nang kanilang address o magbabago ng mga personal na impormasyon.

Kaya naman ang publiko ay pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) na magparehistro na bilang botante.

Bukas ang tanggapan ng mga Election Officer para sa mga magpaparehistro mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado kasama ang pista opisyal na tatagal nang Hulyo 23 ngayong taon, batay na rin sa Resolution 10798 ng Comelec.

Maaari namang gawin ng Election Officer sa mas maluwag na lugar ang pagpapatala ng mga botante salig sa pag apruba ng Provincial Election Supervisor at kumpirmasyon ng Regional Election Director.

Sa desisyon pa ng Comelec en banc, pagsapit ng alas tres ng hapon ng Hulyo 23, ililista ang pangalan ng mga nakapila ng mga magpaparehistro sa loob ng 30 meter radius ng registration area upang makahabol sa kanilang pagpapatala.

Kailangan lamang na naroon sa pila ang magpapatala kapag sila ay tinawag para naproseso ang aplikasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden