‘Comelec server breach’ ikinabahala ng Malakanyang

‘Comelec server breach’ ikinabahala ng Malakanyang

January 11, 2022 @ 7:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inamin ng Malakanyang na nakababahala ang napaulat na ‘hacking” sa Commission on Elections’ (Comelec) servers may ilang buwan bago pa ang May 2022 polls.

“We will await any update to be pronounced by Comelec regarding this ‘no,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Siyempre nababahala rin kami , obviously we are also worried ‘no about this kung totoo man ito . So antabayanan na lang siguro natin, hintayin natin na magpalabas ng official statement ang Comelec tungkol sa report na ito,” ayon kay Nograles.

Nauna rito, kapuwa nagpahayag ng pagka-alarma sina opposition standard bearer at Vice President Leni Robredo at ang kanyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan hinggil sa napaulat na nangyaring hacking sa Commission on Elections (Comelec) data.

Tinukoy nina Robredo at Pangilinan ang ulat ng Manila Bulletin na nagsasabing matapos ang beripikasyon, ang Comelec data — network diagrams, IP addresses, listahan ng mga privileged users, domain admin credentials, ay na-hacked.

“We are alarmed by the news of an alleged hacking of COMELEC servers. We ask COMELEC to immediately confirm if it happened and the extent of the compromise involved,” ayon kina Robredo at Pangilinan sa isang kalatas.

Sinabi ng mga ito na ang kapakanan ng taumbayan higit pa sa mga kandidato ang “pinakamahalaga.”

“This election is for their future and they should not have any doubt about the process and its result,” ayon sa mga ito.

“We ask the Commission to immediately take steps to ensure that this, or any other similar incident would not affect the integrity of the May 2022 elections.” ang pahayag nina Robredo at Pangilinan.

Samantala, sinabi ng Comelec na binalidate (validate) na nila ang usapin ng hacking ng data at tinanong na ang may gawa ng report para magbigay linaw sa kanilang natuklasan.

“Considering that ‘news’ like this could potentially damage the credibility of the elections, the Comelec stands ready to pursue all available remedies against those who, either deliberately or otherwise, undermine the integrity of the electoral process,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, araw ng Lunes. Kris Jose