Comelec sinalubong ng kilos-protesta pagkatapos ng botohan

Comelec sinalubong ng kilos-protesta pagkatapos ng botohan

May 10, 2022 @ 11:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang araw matapos ang 2022 national at local elections ay sinalubong ng protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ang tanggapan ng Commission on Election (Comelec) sa Intramuros, Maynila ngayong Martes, laban sa umano’y dayaan sa eleksyon.

Karamihan sa mga nagprotesta ay nagrali laban sa pagbabalik ng mga Marcos.

Hindi pa man proklamado, malaki ang naging lamang ni  dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race sa partial at initial count ng Comelec.

Nagprotesta rin ang mga militante laban sa umano’y mga iregularidad ng poll body.

Matatandaang kaliwa’t kanan ang naiulat na palyadong Vote Counting Machines (VCMs).

Ayon sa Manila Police District, may humigit-kumulang 200 na raliyista ang nakiisa sa kilos-protesta. RNT