Comelec sinermunan ni Imee sa kulang na dokumento

Comelec sinermunan ni Imee sa kulang na dokumento

October 17, 2022 @ 5:19 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Na-imbyerna si Senador Imee Marcos sa Commission on Elections (Comelec) makaraang kanselahin muna ang deliberasyon ng Senado sa proposed 2023 budget ng ahensya dahil sa kulang na dokumento nito.

“I [asked] the Comelec Finance… and other directors to submit certain documents, including the budget of the Barangay and SK elections (BSKE). I am not in receipt of any document at all. That being the case, I urge that we postpone this budget hearing,” pahayag ni Marcos sa Senate subcommittee on Finance.

Si Senator Marcos ang tumatayong chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Sa kabila ng pagpapakilala ni Comelec chairman George Garcia ng budget proposal para sa taong 2023 ay inihinto pa rin ang pagdinig dahil sa hindi naipasang dokumento.

“Nothing has been submitted, except the old powerpoint that is unresponsive to the queries of most of my colleagues… Please explain the failure to submit documents urgently requested by this committee,” ani Marcos.

Ilan sa mga hinihinging dokumento ng senador ay bilang tugon sa mga sumusunod na isyu:

“Outlandish” demand ng Comelec sa dagdag P10-bilyon pondo sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023; miserableng voter turnout sa overseas voters; isyu ng vote buying sa 2022 elections at “perceived stranglehold” ng Smartmatic.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Imee dahil dito.

“It’s not a happy Monday dahil napilitan ako na i-suspend yung budget hearing ng Comelec… Pinagpipilitan pa rin nila na kinakailangan daw nila ng additional P10 billion on top of the P8.4 billion na nasa kanila na. Saan ka naman nakarinig ng eleksyon na magkaka-total na halos P19 billion, higit pa sa presidential elections? Parang hindi naman angkop. Tama ba to?” anang Senador.

“Siguro mas mahalaga lakarin muna nila ‘yung budget nila,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Imee na hindi na niya sigurado kung mauupuan pa niya ang isa pang pagdinig sa budget ng Comelec.

“Effort na effort maupuan ito.”

Humingi naman ng tawad si Garcia at inaming pagkukulang nila na hindi maibigay ang kailangan ng Senador. RNT/JGC