Comelec sinita ng COA sa P671M unliquidated cash advances

Comelec sinita ng COA sa P671M unliquidated cash advances

August 19, 2022 @ 6:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Audit na ang Commission on Elections ay mayroong unliquidated cash advances na nagkakahalaga ng P671.473 milyon at karagdagang cash advances na may kabuuang P90.5 milyon sa kabila ng non-liquidation ng naunang cash advances.

Sa 2021 audit sa Comelec, inilahad ng state auditors na ang reliability ng balance ng advances account hanggang Nobyembre 2021 na umaabot sa P505.280 milyon ay hindi masigurado dahil sa unliquidated cash advances.

Ang P671.473 milyong cash advances ay hinati sa P178.695 milyong ibinigay sa opisyal at mga empleyado at P492.777 milyon sa special disbursing officers.

“A cash advance shall be reported on and liquidated as soon as the purpose for which it was given has been served,” base sa audit team.

Bahagi ng P90.5 milyong cash advances sa kabila ng non-settlement ng naunang cash advances ay ibinigay sa commissioners’ office na nagkakahalaga ng P437,691 at sa regional election directors na may kabuuang P1.565 milyon.

Inirekomenda ng audit team ang paglalabas ng mga liham sa concerned individuals fpara sa agarang liquidation ng kanilang outstanding cash advances, maging ang pagakakasa ng aksyon gaya ng hindi muna pagbibigay ng sahod para sa mga hindi makakapag-liquidate ng kanilang cash advances.

Inihayag ng Comelec management sa audit team na nag-isyu na ito ng demand letters sa lahat ng administrative officers sa buong bansa noong Abril 11, 2022, na nag-aatas sa kanila na agad na magsumite ng kanilang liquidation reports. RNT/SA