Comelec sinita sa Oplan Baklas sa pribadong pag-aari; pero poll body ‘di nagpatinag

Comelec sinita sa Oplan Baklas sa pribadong pag-aari; pero poll body ‘di nagpatinag

February 17, 2022 @ 3:23 PM 5 months ago


MANILA, Philippines – Binatikos ang Commission on Elections (Comelec) matapos mag-viral sa social media ang ilang video ng mga enforcer nito na nagbabaklas sa mga campaign materials sa mga pribadong pag-aari, kung saan inilarawan ng ilan ang mga insidente bilang “trespassing” at pagsugpo sa malayang pananalita.

Ito ay matapos na pagbabaklasin ng Comelec Oplan Baklas ang mga tarpaulins na nakapaskil sa Robredo-Pangilinan volunteers’ center sa Quezon City.

Ikinatwiran ng mga tagasuporta ni Robredo na ang lugar ay isang pribadong pag-aari, sa labas ng hgurisdiksyon ng Comelec.

“Entering private premises/spaces to retrieve posters is of course illegal without a search warrant. Comelec needs to police its ranks. Criminal and administrative cases should be filed against these thugs,” sinabi nielection lawyer Emil Marañon

Idinagdag pa ni nito na ang nasabing isnidente ay “worrisome” o nakakabahala.

Aniya ito ay hindi lamang isang paglabag sa halalan, ngunit isang malinaw na pagsupil sa karapatan ng publiko sa malayang pananalita.

“Mali at labag sa saligang batas na basta na lamang binabaklas ng Comelec ang mga campaign materials na ito na hindi binibigyan ng pagkakataon na marinig muna ang panig ng mga nagpost ng nasabing campaign posters,” sinabi naman ni election lawyer Romulo Macalintal.

Samantala, pinangatwiranan naman ito ni Comelec spokesperson James Jimenez.

“Our rule is that even if you’re posting on private property, you cannot post in excess of the allowed sizes. You can post campaign materials in your personal property but you’re still going to have to abide by the size requirement,” sabi naman Jimenez

Batay sa Comelec Resolution No. 10730 o ang implementing rules and regulation (IRR) ng Fair Elections Act, ang mga campaign poster ay dapat sumunod sa pinapayagang laki na 2ft x 3ft.

Binanggit din ni Jimenez ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa akso ng Diocese of Bacolod vs Comelec na nagtatakda ng jurisprudence sa mga hindi kandidato na naglalagay ng campaign propaganda

Pagdating naman sa Team Patay, Buhay posters sa loob ng museum, sinabi ni Jimenez na ito ay basehan ng kanilang Oplan Baklas operations kahit sa pribadong pag-aari.

Sinabi ni Jimenez sa isang press conference nitong Miyerkoles na dapat magsampa na lamang ng reklamo ang mga nakakaramdam ng agrabyado sa paghihigpit ng Comelec sa campaign materials.

“If anyone feels they have an action against Comelec, they must pursue that,” pahayag ni Jimenez. Jocelyn Tabangcura-Domenden