Comelec spox sa publiko: Vote buying isumbong

Comelec spox sa publiko: Vote buying isumbong

February 8, 2022 @ 3:04 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez ang publiko na isumbong ang mga insidente ng vote buying sa pangangampanya ng mga tatakbong opisyal.

Abiso ni Jimenez sa publiko, i-compile ang mga insidente ng vote buying at maghain ng reklamo.

“Ang panawagan namin sa publiko ay ‘pag nakakita kayo ng lumalabag ay ireport ninyo ‘yan kahit kakampi ninyo ‘yan huwag nating papabayaan makalusot dahil kakampi natin yung kandidato, kailangan ireport natin yung kanilang paglabag,” ani Jimenez sa panayam.

“Kapag kayo nakakita ng instances ng vote buying, meron po kayong puwedeng gawin. Puwede po kayong magdokument nung nakita ninyong vote buying at ine-encourage namin sila magfile ng complaint. ‘Yan po kasi ang pinakamahalagang aspeto ng laban, laban sa vote buying,” paliwanag pa nito. RNT/FGDC